Kristiyano
Dahil nakaugnay sa Kristiyanismo ang Kristiyano, ang pagsunod sa yapak ni Hesus ay katumbas din ng “lahat ng mabuti” at “may dignidad”. May kaakibat na responsabilidad sa kapuwa at sa sambayanan ang maging Kristiyano.
Nagsimula noong ikaapat na siglo AD ang paglawak ng impluwensiya ng Kristyanismo iba’t ibang bansa sa Europa at karatig lupain. Nang lumaon, nagkaroon ng tatlong uri ng Kristiyano: ang Kristiyano ng simbahang Katoliko Romano, ng simbahang Eastern Orthodox, at ng mga simbahang Protestante.
Bagama’t nagkaroon ng pagkakaiba-iba ang tatlong ito, ang tanging hindi nabubuwag na paniniwala ay pagsamba sa iisang Diyos na kinakatawan ng talong persona: Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo.
Ang kaligtasan ng sanlibutan ay pinaniniwalaang nakasalalay kay Hesukristo na Tagapagligtas. May pitong sakramentong mahalaga sa Kristiyano, ang Binyag, Kumpil, Pagbabasbas sa Maysakit, Banal na Eukaristiya, Kumpisal, Ordinasyon, at Kasal.
Abril 1521 noong unang binyagan bilang mga Kristiyano ang mga katutubo ng Cebu. Ito ang simula ng pagdami ng Kristiyano sa Pilipinas. Gaya ng ibang Kristiyano, ang mga Kristiyano sa Pilipinas ay tumangkilik din sa konsepto ng langit at impiyerno sapagkat ito ang itinurong basehan ng paggawa ng mabuti o masama habang nabubuhay pa.
Malaking mayorya ang mga Kristiyano sa Pilipinas. Labingwalong porsiyento naman ng populasyon sa buong mundo ay Kristiyano.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kristiyano "