Ano ang kubing?
Ang kawayan o tanso ay may hugis na pahaba at manipis at may puwang sa gitnang bahagi na kinalalagyan ng dila nito. Ang malayang panginginig ng dilang ito at ang hungkag na hugis ng bibig ng tumutugtog nito ang nagbibigay ng mainam na tunog sa kubing. Ang iba’t ibang posisyon ng dila ng tumutugtog ang nagdedetermina ng tonong nagagawa sa instrumento.
Ang kubing na gawa sa kawayan ay maaari lamang ipuwesto sa pagitan ng mga labì ng tagatugtog, samantalang ang metal na kubing ay maaaaring nakadikit sa mga ngipin.
Ang kubing na gawa sa kawayan ay maaaring makilala sa iba’t iba nitong pangalan: aribaw at kuribaw (Ibanag); kulibaw (Tinggian/Itneg); olibaw (Kalingga); abilao (Bontok); pulibaw (Ilonggot); kulibaw (Dumagat, Ayta Magkunana), subing (Abyan/Bihug), barimbaw (Tagalog), kinaban (Buhid, Hanunoo), subing (Ilonggo, Batak, Subanon), aroding (Tagbanua, Palawan), kubing (Mëranaw, Magindanaw, Tiruray, Bilaan, Tiboli, Tagakaolo, Ata, Bagobo, Manobo Cotabato, Mansaka, Manobo Agusan, Bukidnon, Mamanua), kulaing (Yakan, Samal), at suding (Mandaya).
Ang metal nitong bersiyon ay kilala sa mga pangalang afiw, olat, onnat at giwong ng Kalingga; abiteng at awideng ng Bontok; at, bi-ong at biqqung naman ng Ifugaw.
Maaaring gamitin sa pag-uusap o pagliligawan ang kubing sa gitna ng tahimik na gabi.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang kubing? "