On
Ano ang ayoweng?


Ang ayoweng ay ang awit ng mga Bontok at iba pang pangkating etniko sa Cordillera kapag nagtatrabaho sa bukirin, nagbabayo ng palay, o naglalakad papunta sa bukirin.


Kinakanta rin ang soweey ng mga Bontok kapag nagbabayo ng palay. Tinatawag ding mangayuweng ang awiting ayoweng.


Kabilang ang ayoweng sa maraming awitin ng mga Bontok at iba pang pangkat upang ipagdiwang o gunitain ang mahahalagang bahagi ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.


Sa pag-awit ng ayoweng, sinasaliwan ito ng kanilang mga instrumentong pangmusika.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: