On
Ano ang baleleng?

Ang baleleng ay isang awitin ng pag-ibig mula sa Samal, Sulu.


Mula ito sa salitang “leleng” na nangangahulugang “sinta.” Isa itong awiting mabagal at malungkot tungkol sa isang lalaking namamaalam sa kaniyang iniibig dahil aalis siya ng Sitangcay papuntang Sibutu habang nangangakong magbabalik muli.


Nagkaroon ng sariling bersiyon ng kanta si Max Surban noong dekada 70 at pinanatili ang isang saknong ng orihinal na awitin:

Pila na baleleng, layu-layu

Sitangkay baleleng pasibutu

Bangkaw bunnal baleleng matuyu

Urul kaw baleleng pamalayu.


Maraming ibang bersiyon ang awit bagaman gumagamit ng iisang himig.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: