On
Mula sa salitang Espanyol na composo, ang komposo ay isang anyo ng awit na nagkukuwento ng isang pangyayari.


Tinatayang nanggaling ito sa ng mga Mehikano at nakilala sa Kanlurang Kabisayaan. May paulit-ulit itong himig at kinakanta nang walang pagtangka na baguhin o lagyan ng pagbabago ang pagkanta.


Kadalasang kinakanta ito ng isang soloista na may kasaliw na gitara. Malumanay ang pagkanta, at nagsisimula sa isang paanyaya na makinig o humingi ng pahintulot na kumanta at magkuwento. Halimbawa:


O mga senyores pamatii ninyo


Akun iga-asoy ini nga composo


Isinasalaysay ng komposo ang isang pangyayari sa isang lugar, na binabanggit din sa kanta, at kadalasan ang pangyayari ay malungkot, kasindaksindak o kamangha-mangha.


Madalas din na kapupulutan ito ng aral, kaya sa pagtatapos ng kanta ay binabanggit din ng manugkomposo o mangaawit ang isang babala o ang aral na mapupulot sa kuwentong kakakanta lamang.


Ang komposo ay nahahati sa mga saknong na may tig-aapat (4) o tiglilimang (5) taludtod at ang bawat linya ay may pantig na hindi bababa sa labindalawa (12) at hindi hihigit sa labingwalo (18).


Mayroon hindi bababa sa lima (5) at hindi hihigit sa labinlimang (15) saknong ang mga naitalang komposo. Halos lahat ng komposong naitala ay walang pamagat.


Ang mga komposo ay nagkukuwento ng mga kasaysayan tungkol sa pagibig, pagkasawi, pagkamatay, kadakilaan, at iba pang mga tema tungkol sa pamumuhay ng mga tao sa isang pamayanan.


Pinagmulan: NCCA Official : Flickr


Mungkahing Basahin: