May expiration ba ang warrant of arrest?
May expiration ba ang warrant of arrest?
Walang expiration ang warrant of arrest. Ang warrant or arrest ay kautusan mula sa korte na hulihin ang akusado para sa isang krimen matapos ma-file ang criminal case sa korte na madalas mangyari matapos imbestigahan ng piskal ang kaso at kumpirmahin na may batayan para kasuhan ang akusado sa korte.
Mawawalan lamang ng bisa ang warrant of arrest kung nahuli na ang akusado o may kasunod na utos ang korte na iniuurong ang warrant of arrest. Habang hindi nahuhuli ang akusado alinsunod sa warrant of arrest, siya ay fugitive from justice na inaakalang nagtatago.
Pero may tamang proseso sa pagpapatupad ng warrant of arrest. Ayon sa Revised Rules of Criminal Procedure, pagka-issue ng judge ng warrant of arrest, ipapadala ito sa Head Office ng mga Arresting Officers. May sampung araw sila para hulihin ang akusado.
Pagkatapos nito, meron silang panibagong sampung araw para gumawa ng report na isusumite sa nag-issue na judge. Kung nahuli ang akusado, kasamang isusumite ang Certificate of Detention. Kung hindi, ipapaliwanag kung bakit hindi nahuli ang akusado.
Bumilis na rin ang proseso kaugnay ng pag-issue at pagpapatupad ng Warrant or arrest dahil sa Enhanced e-Warrant System kung saan malayang ine-encode online ng mga kinauukulan ang mga datos patungkol sa warrant of arrest at status nito.
Pinagmulan: @attytonyroman
Mungkahing Basahin:
No Comment to " May expiration ba ang warrant of arrest? "