Bukawe
Mula ito sa pamilyang Poaceae o true grasses at genus na Dinochloa na kinabibilangan ng kumukulumpon at matataas na kawayan.
Ang species na D. scandens ay isang kawayang tropikal na mayroong matitingkad na berdeng tangkay. Mabagal ang pagyabong nito at nangangailangan ng malilim at mainit na lugar. Tinatawag din itong bangto, kagingking, at killo. Matatagpuan ito sa mga kagubatan ng Malaysia, Indonesia, at Filipinas.
Tulad ng ibang kawayan, tradisyonal na ginagamit ang bukawe para sa mga kasangkapang pambahay. Ngunit higit na pinakikinabangan ito bilang pantalì. Ang nilapat na bukawe ay matibay na pantali ng binigkis na punla at kapag mahusay ang pagpapatuyo ay hindi kinakagat ng bukbok.
Sinasabing ang kasaganaan ng naturang kawayan sa Bocaue, Bulacan ang pinagmulan ng pangalan ng naturang bayan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bukawe "