Bistay
On Pamumuhay
Ang bistay ay nagmula sa mga Tsino na salaang gawa sa masinsin at makitid na lapat na kawayan at ginagamit upang maihiwalay ang bigas sa ipa, binlid, o darak. Maaari rin itong tumukoy sa bahagi ng kiskisan para salain ang darak.
Tinatawag na bistay-pinawa ang gumagamit ng mas malalaking salaan para sa bigas; at tinatawag namang bistay-darak ang gumagamit ng mas pinong salaan. Tinatawag ding bistay ang mga bandehang yari sa kawayan na kadalasang pinaglalagyan ng mga isdang pinapatuyo.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bistay "