maitim na kili-kili


 Maitim na Kili-kili (Dark Underarms)

Payo ni Dr. Liza Ramoso-Ong


Umiitim ang kili-kili dahil sa iba’t ibang dahilan.

1. Dahil sa pag-ahit o shaving. Titigas ang bukok at iitim ang balat kung laging naiirita o nagagalusan. Mas mainam ang waxing o laser, kaya lang ay may kamahalan ito. Gumamit ng shaving cream o banayad na sabon kapag nag-aahit para maiwasan ang gasgas.

2. Ang mga deodorants at anti-perspirants ay maaaring matatapang na kemikal, kaya gumamit ng mild deodorants lamang.

3. Ang patong patong na dead skin cells ay nag-iipon sa kutis. Pwede ang exfoliation o pagtuklap ng dead skin cells gamit ang 1 kutsarita ng asukal at 1 kutsarita ng olive oil na pinaghalo at panatilihin sa kutis sa loob ng limang minuto.

4. Ang hyperpigmentation ay dahil sa melanin pigment na nagbibigay ng kulay sa balat. Mas maraming melanin, mas maitim.

5. Ang pagkiskis ng balat sa masikip na manggas ng damit ay nakakaitim din ng kili-kili kaya luwagan ang manggas.

6. May tinatawag na Acanthosis Nigrican sa matataba, diabetiko o may abnormal na hormones.

7. Ang bacteria na Corynebacterium minutissimum ay nagdudulot ng pagpapawis at body odor.

8. Ang paninigarilyo ay nakakaitim ng balat.

9. Magkakaroon ng melasma kapag naarawan, o nagbuntis dahil sa pagbabago ng hormones.

10. Ang Addisons disease ay sakit na may kasamang pagod, hindi makakain, low blood pressure at low blood sugar, suka, pagtatae, etc.

11. Kung ang lahi ay mas morena, mas maiitim din ang kili-kili.

12. Dahil sa problema sa hormones tulad ng PCOS (Polycystic Ovary Syndrome) at hypothyroid.


Ang mga dermatologists mula sa Philippine Dermatological Society ay nagbibigay ng tretinoin, peels, o dermabrasion. Pwede din subukan ang kojic acid na sabon at deodorants.


Pinagmulan: @docwillieong


Mungkahing Basahin: