Valid pa ba ang Special Power of Attorney kahit patay na ang nagbigay nito?
Tanong: Valid pa ba ang Special Power of Attorney kahit patay na ang nagbigay nito?
SAGOT:
Depende.
Ano muna ang SPA o Special
Power of Attorney? Ito'y nakasulat na pahintulot na binibigay sa ahente na kumilos para sa principal o nagbigay nito.
Sa ilalim ng Article 1931 ng Civil Code, kapag namatay ang principal wala nang bisa ang SPA.
Pero sabi rin nito na kapag hindi alam ng ahente at pinaggamitan ng SPA na patay na ang nagbigay nito, may bisa pa rin ito at kikilalanin ang transaksyon na pinahihintulutan nito.
Halimbawa, sa bentahan ng lupa. Kung may inisyung SPA ang may-ari ng lupa para ibenta ito at namatay ang may-ari ng lupa, wala nang bisa ang SPA dahil patay na ang may-ari.
Pero kung parehong hindi alam ng ahente at pinagbentahan na patay na ang may-ari may bisa pa rin ang SPA at valid ang bentahan.
Pinagmulan: @attytonyroman (sundan sya sa Instagram)
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Valid pa ba ang Special Power of Attorney kahit patay na ang nagbigay nito? "