Atin ang Baler, Hindi sa Dayuhan!
Atin ang Baler, Hindi sa Dayuhan!
Maliban sa pagtatanod sa labas ng Simbahan ng Baler habang matiyagang hinihintay kung susuko ang mga Espanyol, magiting na hinarang ng mga Pilipino ang tangkang pagligtas sa kanila ng mga Amerikano sa pangunguna ni Tinyente James C. Gillmore noong 12 Abril 1899.
Sa ganitong paraan, ipinakita ng mga Pilipino ang kahandaang tumugon sa bantang panlabas. Hindi rin sila natinag kahit na nang sumunod na araw, pinaputukan ng kanyon ng USS Yorktown ang bayan.
Iginiit din natin ang ating kasarinlan. Sa pananaw ng mga Amerikano, sila ang dapat kumupkop sa mga Espanyol sang-ayon sa Kasunduan ng Paris. Ngunit sa huli, sa atin sumuko ang destacamento ng Baler.
Ang mabuting pakikitungo na ibinigay natin sa mga Espanyol na sumuko ay ipinaabot din natin sa pangkat ni Gillmore. Isang matandang lalaki ang lumapit sa kanila at naghilom ng mga sugat nila gamit ang katutubong mga gamot.
Pinagmulan: @hhcpofficial
No Comment to " Atin ang Baler, Hindi sa Dayuhan! "