Demerit Points sa pagrenew ng drivers license
Ikaw ba ay magre-RENEW ng iyong DRIVER’S LICENSE? Narito ang mga bagay na kailangan mong malaman sa bagong proseso ng LTO na nakabatay sa probisyon ng Republic Act No. 10930 tungkol sa pagre-renew ng Driver’s License.
Alam mo na ba?
Alinsunod sa Republic Act (RA) No. 10930, ang validity ng mare-renew na Professional o Non-Professional Driver’s License ay nakabatay sa pagkakaroon ng Demerit Points.
Ang nasabing Demerit Points ay nakukuha sa paglabag sa mga batas, alituntunin, at regulasyon ng transportasyong panlupa.
Good News: Sapagkat ang Demerit Points ay nagre-reset kada renewal, ang lahat ay may pagkakataong maging kwalipikado para makakuha ng lisensya na may 10-year validity.
Kailangan lamang sumunod sa mga batas, alituntunin, at regulasyon ng transportasyong panlupa upang maiwasang magkaroon ng kahit isang Demerit points sa kahabaan ng bisa ng iyong renewal license.
Ang pagkakaroon ng isa o higit pang Demerit Points ang magiging dahilan ng pagkakaroon ng 5-year imbis na 10-year driver’s license validity.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Demerit Points sa pagrenew ng drivers license "