Ang Pusan Point
Ang Pusan Point
Ang Setyembre ay Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month! Alam niyo ba kung saan unang sumisikat ang araw sa Pilipinas?
Ito ang Pusan Point—ang pinakasilangang pook sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa Bayan ng Caraga, sa Lalawigan ng Davao Oriental. Noong nakaraang Abril, nagtungo ang mga mananaliksik mula sa Sangay ng Dignayan (o Paladutaan) at Paleyontolohiya (Geology and Paleontology Division, o GDP) ng Pambansang Museo ng Pilipinas upang alamin ang uri ng bato na bumubuo rito.
Ang Pusan Point ay gawa sa bato na kung tawagin ng mga heologo ay reefal limestone. Kung ito ay susuriin, makikita rito ang samu't-saring fossils tulad ng mga korales, kabibe, at pandagat na kuhol. Ang limestone na ito ay kabilang sa Pormasyong Manay na nabuo sa mababaw na parte ng dagat mga 1.8 milyong taon hanggang 12 libong taon na ang nakalipas. Ang heolohikal na gulang nito ay nalaman sa pamamagitan ng foraminifera fossils o mga maliliit na organismong nabuhay sa nasabing panahon. Kalaunan, ang mga labi nito ay nadeposito sa ilalim ng dagat, naging bato, at unti-unting umangat sa ibabaw ng tubig dahil sa iba’t-ibang prosesong heolohikal. Ang morpolohiya ng Pusan Point ay patuloy na inuukit ng mga alon mula sa Karagatang Pasipiko.
Tignan ang mga larawan upang masaksihan ang heolohikal na katangian ng Pusan Point mula sa malawak nitong tanawin hanggang sa mikroskopikong detalye ng bato!
Pinagmulan: @natmuseumph
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang Pusan Point "