Ayaw magbigay ng child support ang daddy ng baby mo
Ayaw magbigay ng child support ang daddy ng baby mo
Ang tanong: May laban ba ako kahit di ko ma-afford mag-hire ng abogado?
Sagot: Yes, definitely. Meron mga paraan na makakuha ng child support legally kahit hindi mo ma-afford maghire ng pribadong abogado.
Una, magsulat ka ng demand letter at ipadala ito sa daddy ng baby mo.
Yung demand letter dapat merong
- Date nung time na sinulat mo yung letter
- Name and address nung daddy ng baby mo
- Mga pruweba (proof) na siya talaga ang tatay ng bata
Pangalawa, Pwede humingi ng tulong sa barangay and other government agencies kagaya ng Municipal Social Welfare Development o City Social Welfare Development. Wag kalimutang dalhin ang mga sumusunod:
- Yung demand letter na pinadala mo,
- Birth certficate ng anak mo,
- Proof of income ng tatay,
- Proof of paternity, at iba pang related documents.
Pag maprove mo na yung daddy ng baby mo o tatay ng anak mo ay sinasadya nya talaga na hindi magbigay ng suporta kahit na may kapasidad naman siya, pwede mo siya kasuhan under RA 9262 or the VAWC Law. This can be under psychological violence or economic abuse if yung hindi magbigay ng suporta has caused negative psychological effects duon sa anak niyo or is used para icontrol ka, puwede kang humingi ng tulong sa public attorney's office if qualified or sa PNP Women's Desk
Pinagmulan: Atty. Bernice Rodriguez (@hey_attorney)
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ayaw magbigay ng child support ang daddy ng baby mo "