Ano ang kulam?


Isang uri ng itim na kapangyarihan ang kulam.


Ang ibig sabihin, isa itong mahiwagang kapangyarihan na ginagamit upang saktan o pagdusahin ang ibang tao.


Tinatawag na mangkukulam ang tao na may angking ganitong mahiwagang lakas. Karaniwang inilalarawan ang mangkukulam na isang huklubang babae, mabalasik ang mga matá ngunit umiiwas makipagtitigan sa iba, mahahaba at marusing ang mga buhok at mga kuko, nakatirang magiisasa isang maruming kubo na naliligid ng nakatatakot na hayop aso, pusang itim, paniki). Ang larawan ay mahihiwatigang may impluwensiya ng paglalarawan sa bruha (bruja) ng Europa.


Ngunit may malaking kaibhan ang mangkukulam sa bruha. Walang kaldero o palayok na kumukulo ang mangkukulam. Sa halip, ang ginagamit nitong pangkulam ay isang manyikang basahan at mga karayom at aspile. Kapag may kukulaming kaaway o biktima, nagiging simbolo ng naturang tao ang manyika, at ang bawat bahagi ng manyika na tusukin ng karayom ay nagdudulot ng kirot at karamdaman sa kinukulam.


Isa ang mangkukulam sa mga tinatawag na Fray Juan de Plasencia (sirka 1589) na mga “alagad ng diyablo” sa pangunguna ng katalona na pinaniniwalaan at kinatatakutan ng taumbayan noon. Binanggit din ni Plasencia ang manggagaway, aswang, magtatanggal, hukluban, manggagayuma, at sonat na may kani-kaniyang uri ng kapangyarihan.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: