Ang faith healing sa Filipinas
Ito ang panggagamot na ginagawa ng isang faith healer, tao na sinasabing nagpapagalíng sa pamamagitan ng dasal at pananalig sa halip na medikal na panggagamot.
Tumutukoy ito sa mga rituwal at kilos, gaya ng paglalagay ng kamay sa may sakit, na sinasabing tumatawag sa kapangyarihan ng isang nakatataas upang makapagpagalíng.
Sinasabing nagsimula ito bago pa man naitala ang kasaysayan. Sa Bibliya, mayroong paniniwala ang mga Kristiyano na pinagagalíng ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ilan sa mga nakapagpagalíng sa pamamagitan ng pananampalataya sina Elijah, Hesus, at Pablo.
Sa Filipinas, isinasagawa na ito ng mga babaylan at albularyo bago dumating ang Kanluraning siyensiya at medisina. Bagaman nagkaroon ng modernisasyon sa paglipas ng panahon, marami pa ring Filipino na hindi káyang magbayad sa ospital ang tumatangkilik sa ganitong paraan ng panggagamot.
Nanggagamot ang mga faith healer hábang nása kalagayang tulad ng hipnotismo, bahagyang pagkakaroon ng malay o sanib.
Pinakadramatiko at kontrobersiyal na paraan ng naturang panggagamot ang psychic surgery. Dito, binubuksan ng manggagamot ang katawan ng maysakit gamit lamang ang kamay at makakukuha ng tumor o ng lamangloob na mayroong sakit. Hindi ito gumagamit ng anestisya at sinasabing walang sakit na nararamdaman ang pasyente.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang faith healing sa Filipinas "