Araw ng Watawat
Sa araw na ito, Oktubre 30, noong 1919, muling nanumbalik ang kalayaan ng mga Filipino sa paggamit ng ating pambansang watawat, nang idineklara ni Gobernador-Heneral Francis Burton Harrison ang pagpasa sa Act No. 2187, ang batas na nagpapawalang-bisa sa Act No. 1696 o Flag Law, na umiral sa buong bansa sa loob ng 12 taon at nagbabawal sa malayang pagpapakita ng bandilang Filipino at anumang simbolismong pambansa.
Idineklara rin niya ang ika-30 ng Oktubre bilang pambansang pagdiriwang na Araw ng Bandila, sa bisa ng Proklamasyon blg. 18, na inakda ni Rafael A. Palma. Ito ang unang pagdiriwang ng Araw ng Bandilang Pambansa, bago pa man ito kasalukuyang ginugunita tuwing ika-28 ng Mayo, sa bisa ng batas na ipinasa at nilagdaan ni Pangulong Elpidio Quirino.
Pambansang Araw ng Watawat
Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 374 ay hinirang ang Mayo 28 bilang Pambansang Araw ng Watawat para gunitain ang pagwagayway ng watawat noong natalo ng mga rebolusyonaryong Pilipino ang pwersa ng mga Kastila sa Labanan sa Alapan, Imus, Cavite noong 1898.
Sa pamamagitan naman ng Executive Order No. 79 noong 1994 ay pinahaba ang pag-aalala at paglalagay ng watawat mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12, ang petsa kung kailan naman ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan.
Kaya naman sa panahong ito ay bigyan natin ng pagpupugay ang isa sa sumisimbolo sa ating bansa at pagiging Pilipino. Maglagay ng watawat sa inyong bahay at gusali alinsunod sa tamang alituntunin ng National Heraldic Code.
Dahil sa tuloy-tuloy na kampanya ng ating mga ninuno, binawi noong 1919 ang batas na nagbabawal sa paggamit ng ating Pambansang Watawat, sampu ng iba pang mga sagisag mula sa Himagsikang Pilipino.
Itinalaga rin ng 30 Oktubre 1919 bilang Flag Day kung kalian ipagdiriwang ang pagbabalik ng Watawat ng Pilipinas. Nais sanang makibahagi ni Emilio Aguinaldo makibahagi sa mga selebrasyon ngunit dahil sa lubha niyang kalagayan ay nagdiwang na lamang muna siya sa kanyang silid sa Philippine General Hospital.
Iwagayway natin ang ating Watawat bilang pagpapahalaga sa kalayaang ipinanalo noon at patuloy nating ipinagtatanggol ngayon.
Bilang paghahanda sa ating pagdiriwang, balikan natin ang mga pangyayari sa ating kasaysayan kung saan naitampok ang ating Pambansang Watawat bilang dakila nating sagisag.
Noong 11 Agosto 1907, nagkaroon ng pagtitipon ang mga nagbubunying Pilipino sa Wallace Field na bahagi ngayon ng Liwasang Rizal Luneta. Ipinagdiwang nila ang pagkakahalal ni Fernando Ma. Guerrero bilang kinatawan ng Timog Maynila sa unang Asamblea Filipina o Philippine Assembly.
Umasa ang mga Pilipino na ang Asamblea at ang pagkakahalal ng mga kinatawan dito ang unang hakbang tungo sa pagkilala sa ating kasarinlan. Sa kasamaang palad, ikinatakot ng mga Amerikano ang "manifestacion" dahil lalong mas maraming Watawat ng Pilipinas kaysa sa Amerika. Dahil dito, naglabas sila ng batas na nagbabawal sa ating Pambansang Watawat, Awit, at iba pang sagisag ng Himagsikang Pilipino.
Ipinaglaban ng ating mga ninuno ang karapatan nating ipakita ang ating pagmamahal sa bayan. Iwagayway natin ang ating Watawat bilang pagpapahalaga sa sakripisyo nila.
Mungkahing Basahin:
Sanggunian:
• The Kahimyang Project (n.d.). Today in Philippine history, October 30, 1919, Flag Day was declared by Governor-General Francis Burton Harrison. https://kahimyang.com/kauswagan/articles/718/today-in-philippine-history-october-30-1919-flag-day-was-declared-by-governor-general-francis-burton-harrisondied-at-san-juan-de-dios-hospital
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Araw ng Watawat "