Tulay ng Colgante
On Paglalakbay
Ang Tulay ng Colgante ay isa sa mga makasaysayang tulay na tumawid sa Ilog Pasig. Ang tulay na ito ay tinawag na isang "Suspension Bridge," na itinayo simula 1849 hanggang 1852 sa pamamagitan ng mga modernong mga paraan noon.
Sa halip ng pag gamit ng mga arko, ang suporta nito ay nagmumula sa mga tore sa magkabilang dulo. Una itong tinawag na "Puente Claveria," ngunit sa kalaunan ay naging "Puente Colgante."
Matapos ang halos isang siglo, hindi na kaya ng Colgante ang mga modernong pangangailangan ng syudad kaya noong 1939 ito ay giniba upang maitayo ang Tulay ng Quezon, na ipinangalan sa karangalan ng dating Pangulong Manuel Quezon.
Pinagmulan: @intramurosph
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Tulay ng Colgante "