limbagan

Kauna-unahang Limbagan sa Pilipinas 


Pinangunahan ng mga paring Dominikano ang paglilimbag sa pamamaraang silograpiya nang itinayo ni Fray Francisco de San Jose ang kauna-unahang limbagan sa Pilipinas noong 1593. Ang pinaka-unang libro na na-imprenta ay ang "Doctrina Christiana" ni Juan de Plasencia. Ang limbagang ito ay sa kalaunan ay naging limbagan ng Unibersidad de Santo Tomas.


Sa kabilang dako, ang pinaka unang Filipino na manlilimbag ay si Tomas Pinpin, isang manlalathala at manunulat mula sa Abucay, Bataan. Noong 1610 isinulat niya ang "Librong Pagaaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castilla," ang pinaka unang libro na isinulat sa wikang Tagalog.


Pinagmulan: @intramurosph


Mungkahing Basahin: