On

 

Ang mga Dominikano

Ang mga Dominikano


Ang mga Dominikano ay unang dumating sa Pilipinas noong 1581. Itinatag nila ang Unibersidad ng Santo Tomas (UST) noong 1611, isa sa mga pinakamatatandang paaralan sa Asya. Kilala din sila bilang mga misyonaryo sa mga Tsino sa Pilipinas. Ang mga misyonaryo ay mga taong nagpapalaganap ng kanilang pananampalataya sa ibang tao.


Sila ang tagapangalaga ng Simbahan ng Sto. Domingo na matatagpuan din noon sa Intramuros. Ito ay inilipat sa Quezon City matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Pinagmulan: @intramurosph