Unibersidad ng Santo Tomas
Ang Unibersidad ng Santo Tomas ay kinikilala bilang pinaka matandang Pamantasan sa Pilipinas. Ito ay itinayo ni Arsobispo Miguel de Benavides, at sa loob ng apat na siglo ay nakapag ambag ng mga santo, mga pambansang bayani, mga siyentipiko, mga artista, at mga pinuno ng simbahan at estado.Pinagmamalaki nito ang pinaka matandang serbisyo sa pag iimprenta, at ang pagiging una sa pag alok ng kurso sa medisina, parmasya, abogasya, at pang-iinhenyero. Noong 1645 ito ay ginawang Unibersidad ni Papa Innocent X, noong 1785 ay binigyan ng titolong “Real” ni Haring Carlos III ng Espanya, at noong 1902 ito ay nabigyan ng titulong “Pontipikal” ni Papa Leo XIII. Ang Santo Tomas ay unang itinayo sa Intramuros, pero matapos ang gyera ay lumipat na ng buo sa kampus nito sa Sampaloc, Manila.
Una itong tinawag na Colegio de Nuestra Señora del Santisimo Rosario, bago naging Colegio de Santo Tomas bilang parangal sa dakilang teologong Dominiko na si Santo Tomas Aquino. Dahil sa lumalaking bilang ng mga estudyante, inilipat ang kampus sa kinatatayuan nito sa kasalukuyan sa Sampaloc, Maynila, bagama’t patuloy pa ring ginamit ang kampus sa Intramuros hanggang mawasak noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Noong 29 Hulyo 1619, binigyan ng awtoridad ang kolehiyo na magkaloob ng mga titulo sa teolohiya at pilosopiya. Idineklara itong unibersidad ni Papa Inocencio X noong 20 Nobyembre 1645. Napasailalim ito sa monarkiyang Espanyol noong 1680. Noong 1734, binigyan ito ng awtoridad ni Papa Clemente XII na magkaloob ng iba pang mga titulo.
Nang paalisin ang mga Heswita sa Filipinas noong 1768, ang UST ang naiwang nag-iisang institusyon ng lalong mataas na pagkatuto. Naging royal universidad real ito noong 1785, universidad pontifico noong 17 September 1902, at noong 1947 ay tinaguriang Katolikong Unibersidad ng Filipinas. Dalawang beses na nagsara ang unibersidad, noong 1898-1899, sa pangalawang yugto ng Himagsikang Filipino at Digmaang Filipino-Amerikano, at noong 1942-1945 nang gamiting garison ng mga Hapones ang kampus.
Dito nagtapos ang mga bayaning tulad nina Jose Rizal, Emilio Jacinto, Marcelo H. del Pilar, Apolinario Mabini, mga naging presidente ng Filipinas, Manuel Luis Quezon, Sergio Osmeña, Jose P. Laurel, Diosdado Macapagal, at maraming naging bantog na propesyonal.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Naging Ganap na Unibersidad and noo’y Colegio De Santo Tomas
Sa bisa ng In Supremineti na ipinroklama ni Papa Innocent X sa araw na ito, Nobyembre 20, noong 1645, itinaas sa antas na unibersidad ang noo’y Colegio de Santo Tomas. Ang pagtataas ng Santo Papa sa antas ng Colegio bilang isang unibersidad ay ayon na rin sa petisyon ng noo’y Hari ng Espanya na si Felipe IV, at sa pagtataas ng ranggo ng Colegio bilang isang unibersidad ay nasa ilalim na ito ng patnubay ng Vatican. Kinilala naman ng Real Audiencia ang Universidad de Santo Tomas bilang “University for life”.
Unang binuksan ang University Of Santo Tomas noong ika-28 ng Abril, 1611, na orihinal na pinangalanang Colegio de Nuestra Señora del Santísimo Rosario, na pinamunuan ng mga prayleng Dominikano sa pangunguna ni Padre Miguel De Benavides. Una itong nag-aalok ng mga kursong gaya ng theology, arts at philosophy, at noong 1617 ay pinalitan ang pangalan ng nasabing kolehiyo na Colegio de Santo Tomas, alinsunod sa patron nitong si Santo Tomas de Aquinas.
Bukod sa University status na nakuha nito mula sa Vatican, ginawaran rin ang UST ng titulong Royal University sa bisa ng Royal Decree ni Haring Carlos III ng Espanya noong ika-20 ng Mayo, 1765. Ika-17 ng Setyembre, 1902 nang itinaas ang UST sa antas na Pontifical University, ang natatanging unibersidad sa Pilipinas na nabigyan ng antas na unibersidad mula sa Vatican at sa Kaharian ng Espanya.
Sanggunian:
• Pontifical and Royal University of Santo Tomas (n.d) 20 November, 2021 https://www.ust.edu.ph/university-history/
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Unibersidad ng Santo Tomas "