Mga Reporma ni Claveria
Mga Reporma ni Claveria
Si Narciso Claveria ay isang Gobernador-Heneral ng Pilipinas na nanungkulan noong 1844 hanggang 1849. Siya ay kilala sa kanyang pagpapatupad ng reporma sa pag gamit ng apelyido at sa kalendaryo.
Maraming Filipino ang walang apelyido na siyang naging dahilan sa kahirapan sa koleksyon ng buwis. Bilang solusyon, inilabas ni Claveria ang "Catalogo Alfabetico de Apellidos." Karamihan sa apelyidong Filipino sa kasalukuyan ay nagmula sa dokumentong ito.
Sa kabilang dako, pinangunahan din ni Claveria ang pag reporma sa kalendaryo. Simula 1521 hanggang 1844, nahuhuli ang Pilipinas ng isang araw mula sa pandaigdigang kalendaryo. Bilang solusyon, tinanggal ni Claveria ang Disyembre 31. At dahil dito, ang kanilang Disyembre 30 ay sinundan na ng Enero 1, 1845.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Mga Reporma ni Claveria "