Bukayo
Paborito ito ng mga bata dahil sa sobrang tamis nito ngunit hindi ipinapayo na kainin nang maramihan at palagian dahil tiyak na makapagdudulot ng diyabetis.
Sa pagluluto ng pinakapayak na bukayo, kailangan ang sumusunod:
- murang niyog na kinayod nang pahaba,
- asukal (karaniwang pula),
- tubig, at
- sirup.
Una, paghaluin ang asukal, tubig, at sirup sa isang kawali hanggang sa lumapot ang asukal. Tandaan na kailangang katamtaman o mahina lamang ang apoy sa pagluluto nang hindi masunog ang asukal. Kapag malapot na ang asukal, ihalo ang mga kinayod na niyog hanggang sa maging karamelo ang asukal. Mainam na ihain ito nang malamig.
Kung gugustuhin, maaaring gumamit ng mga nakahanda nang karamelo tulad ng pulut at tinaklob, makapuno sa halip na murang niyog, maple syrup, banilya, putîng asukal, arina o cornstarch upang mas lumapot, linga, langka, dahon ng pandan, at iba pa. Madalas ding inihuhulmang pabilog o anumang korte ang mga bukayo habang mainit pa.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bukayo "