Gulaman
Pinakakaraniwang iprosesong halamang-dagat ang agar-agar (Gelidium corneum) at karaniwang kinukulayan ng berde o pula ang mga pinatuyông bara.
Ang jelly ng gulaman ay ginagamit sa pampalamig na gulaman at sago, buko pandan, at sa haluhalo, bukod sa mga salad.
Ang gulaman at helatina o gelatine ay ginagamit na magsingkahulugan sa Filipinas bagaman magkaibang produkto ang mga ito. Ang helatina ay protina samantalang, tulad ng nabanggit na, ang gulaman ay karbohaydeyt mulang halamang-dagat.
Mahalaga ang pagkakaibang ito para sa mga tao na hindi maaaring kumain ng helatina bunga ng dahilang panrelihiyon o pangkultura, gaya ng mga Muslim.
Nalulusaw ang helatina sa mainit na tubig ngunit kailangan ng gulaman ang kumukulong tubig para malusaw.
Ang gulaman ay nagiging matigas at madulas kapag ginamit sa pampalamig at haluhalo.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Gulaman "