Ginataan
Kung minsan, tinatawag lamang itong ginatan at maaaring isilbi nang malamig o mainit bilang himagas o meryenda. Sa pangyayaring ito, malimit na himagas o meryenda ang ginatang munggo, ginatang mais, at ginatang saging.
Ang meryendang may langka at bilo-bilo ay tinatawag ding bilo-bilo, paralusdos, at alpahor.
Ginataan din ang putaheng iniluluto at may gata. Pangunahin dito ang ginataang kalabasa na may hipon, ginataang talong, ginataang manok, ginataang gulay, at ginataang isda.
Sa paghahanda ng meryenda, magsimula sa ginadgad na niyog at pagkuha ng “malapot” na gata nito. Dalawang tasa ng tubig ang inihahalo sa ginadgad na niyog at saka muling kinakatas ang gata. Magapapara itong “manipis” na gatas.
Idinadagdag sa “manipis” na gatas ang ikinuwadradong kamote, hiniwang gabe at ube, hiniwang saging na saba, at mga piraso ng langka, at mga butil ng tapyoka.
Isinasalang apoy ang pinaghalo-halo, paminsanminsang hinahalo, hanggang kumukulo. Bago hanguin sa apoy, ibuhos ang “malapot” na gata.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ginataan "