On
Ang butse o butsi ay bersiyong Filipino ng sesame seed ball ng mga Tsino, isang pritong himagas at ginawa sa galapong na binílog na may palamang minasang munggo.


Malimit na idulot itong panghimagas sa restoring Tsino. Gayunman, makabibili ng mga nakapaketeng butse sa ilang tindahan ng tinapay.


Kung magluluto ng sariling butse, tandaan ang sumusunod. Wisikin ng konting asukal ang galapon upang magkaroon ng tamis. Ang palaman ay maaaring karaniwang munggo o munggong pula.


Madalîng lutuin ang karaniwang munggo. Ngunit kung maselan, magtiyaga sa apat na oras na pagbabad sa munggong pula, isang oras na pagpapakulo hanggang lumambot, bago imasa at ilutong may asukal.


Hindi rin kailangang may kulapol itong linga (sesame seed), bagaman totoong nakadadagdag ito ng lasa at lutong.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: