Biskotso
Ang biskotso ay tinostang tinapay na pinahiran ng mantekilya at asukal. May nagdadagdag ng bawang bilang pampalasa. Bantog na pinagmumulan ng masasarap na biskotso ang lalawigan ng Iloilo, ngunit laganap ito sa maraming lugar sa Filipinas.
Mauugat ang etimolohiya ng biskotso sa mga salitang Latin na bis coctus o dalawang beses iniluto o inihurno. At dalawang beses ngang iniluluto ang biskotso. Mula sa malambot na tinapay (na maaaring bagong luto o tira na lamang), hinahati ito sa halos magkakaparehong laki.
Pagkatapos ay pinapahiran ng sapat na mantekilya (o minsan ay margarina) at hindi dapat marami upang hindi maging basa at malambot ang kalalabasan.
Winiwisikan ang mga hinating tinapay ng asukal. PanghulĂ, inilalagay ito sa hurno o oven nang hindi bababa sa dalawang minuto. Depende sa uri ng tinapay at tagal ng pagkakalagay sa hurno ang tigas ng biskotso.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Biskotso "