Goldilocks
Nagsimula bilang isang munting panaderya noong 1966, mayroon nang mahigit-kumulang 200 tindahan at kainan ang Goldilocks sa buong bansa at iba’t ibang bansa, tulad ng Estados Unidos, Canada, Singapore, Hong Kong, at Thailand.
Maituturing ang Goldilocks bilang bahagi ng kulturang Filipino at kinatawan ng panlasa at pagkaing Pinoy sa mga bansang mayroon nito. Nagsisilbi ring tulay ang mga sangay ng Goldilocks ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) at mga Fil-Am sa bayan ng kanilang lahi.
Sinimulan ng magkapatid na Milagros Leelin Yee at Clarita Leelin Go ang unang tindahan ng Goldilocks sa Kalyeng Pasong Tamo, Lungsod Makati, noong 1966.
Ginamit nila ang salitang “Goldilocks,” hango sa tauhan ng kuwentong Goldilocks and the Three Bears, sa paniniwalang maaari itong maghatid ito ng suwerte. Pumatok kaagad ang alok nilang brazo de mercedes, sansrival, at iba pang uri ng keyk.
Sa kasalukuyan, bukod sa pagtitinda ng mga keyk, tinapay, at matatamis na panghimagas, maraming branch ng Goldilocks ay mga restorang fast food na tumangkilik ng pagkain at inuming Pinoy tulad ng palabok, kare-kare, batsoy, lumpiya, bistek, haluhalo, at sago’t gulaman.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Goldilocks "