Halabos
Ang niluluto ay kaagad na hinahango mula sa kawali o kaserola para mapanatili ang katas at lambot. Kapag nasobrahan ang lutong hipon o alimasag ang mga laman nito ay titigas at kukunat nang husto kaya mas matigas na kapag kinain. Maaaring magdagdag ng ilang rekadong pampalasa katulad ng dinikdik na bawang at turmeric (dilaw na luya).
Ang angkop na pagkain ng halabos ay gamit ang mga kamay. Ang sabi, para higit daw malasahan ang sariwang laman ng hipon o alimango. Isinasawsaw ang halabos na hipon o alimango sa suka na may sili at dinikdik na bawang.
Para sa mga alimango mas madalîng kainin ito kung nahati sa gitna. Sa Bulacan, isang paboritong sawsawan ng halabos ang sisig na hiniwang manggang hilaw, hiniwang kamatis, at bagoong na halubaybay.
Bagama’t pangngalan ang salitang “halabos,” ito ay maaaring gawing pandiwa: halabusin/ihahalabos (panghinaharap), naghalabos (pangnagdaan), naghahalabos (pangkasalukuyan).
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Halabos "