On
Ang kamatis (Lycopersicum esculentum) ay yerbang karaniwang lumalaki ng 1-3 metro ang taas at may mga sangang lumalago paitaas.


May pinongpinong balahibo ang puno at malalambot na sanga. May bulaklak itong dilaw at bungang bilugan ngunit iba-iba ang hugis at laki. Ang karaniwang inaalagaang kamatis ay may bungang 4-10 sentimetrong laki, mapula kapag hinog, makinis, malaman, makatas, at maraming buto.


May 7,500 varayti ng kamatis sa buong mundo. Noong 2009, umaabot sa 150 milyong tonelada ang produksiyon nito. Pinamalaking prodyuser ang Tsina.


Malaganap ito sa Filipinas, may varayting ilahas ngunit marami na ang itinatanim bilang pagkaing gulay, sahog sa ilang putahe, at sawsawan. Ang berde pa ay ginagamit sa atsara. Paboritong sawsawan ng pritong longganisa at tosino ang hiniwang kamatis na may hiniwang itlog na pula. May ibinababaw ito sa iniin-in na kanin bago pigain sa asin o patis bilang sawsawan.


Ang kamatis ay mayaman sa bitamina C at isang malakas na antioksidant. Mainaman din itong kuhanan ng ayron at posporus. May lycopene din ito at cholorogenic acid na maaaring makapagpababà sa mga panganib ng kanser.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: