On
Matandang paraan na ang inasnan at pinatuyong karne. Tinatawag itong pindang at ginagawa noon ng mga Agta sa karneng baboy-damo, usa, at kahit kalabaw.


May alamat pa na dahil mahirap humanap ng asin sa bundok, hinihigaan ng Agta ang karne upang mapitpit at upang maasnan ng kaniyang pawis.


Mas makabago ang tosino sa pag-iimbak ng karne. Naghahalo muna ng asin, asukal, at salitre at doon ibinababad ang mga piraso ng karne. Kung karneng baboy, mainam na may kasámang tabâ ang bawat piraso dahil mahusay sumipsip ng sangkap ang taba.


Ang asin at asukal ang nagdudulot ng manamis-namis at maasim na linamnam sa tosíno. Ang salitre ang pampapulá. Bagaman ngayon ay pinalitan na ng break powder ang salitre.


Hiniram sa Espanyol na tocino ang pangalang tosíno. At sa mga Espanyol, ang tocino ay katumbas ng bacon sa Ingles. Sino ang magsasabing bacon ang ating tosíno?


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: