Bagoong
May dalawang uri ng bagoong, ang
- bagoong na isda at
- bagoong na alamang.
Pinaghahalo ang asin at isda, kadalasan ay gamit ang kamay, at isinisilid sa malalaking tapayan (burnay). Inaabot ng 30-90 araw ang pagbuburo nito.
Ilan sa uri ng isdang ginagamit para sa bagoong ay ang
- dilis,
- bolinaw,
- galunggong, at
- sapsap.
Ganito rin ang proseso para sa bagoong na alamang, at pinapalitan lamang ang isda ng hipon. Para makuha ang natatanging mapula-pulang kulay ng bagoong, hinahaluan ito ng angkak. pampakulay ng pagkain na gawa sa bigas na nilagyan ng pulang uri ng funggus (Monascus purpureus).
Idinudulot din ng pagbuburo ang patÃs, o fish sauce, at tumatagal ang proseso ng kalahati hanggang isang taon.
Popular na katambal ng bagoong ang putaheng kare-kare. Mainam itong pambalanse sa asim ng hilaw na mangga. Mabibili ang bagoong sa mga tindahan na nakadelata o nakabote, o kaya naman ay sa mga palengke, at makikita itong nakabunton sa mga palanggana.
Isang popular bagaman itinuturing na maalat ang bagoong pangasinan. Ang bagoong balayan ay gawa sa dilis. May bago namang resipeng komersiyal na nilalagyan ito ng pampaanghang.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
No Comment to " Bagoong "