Kudkuran
Karaniwang may “ulo” itong sapad at nakapabílog sa gilid ang mga munting talim na metal, at may kinakabitang “katawan” na munting piraso ng kahoy at may apat na paang dalawang dangkal ang taas. Malimit na sumasakay sa katawan ang nagkukudkod, kaya tinatawag din itong “kabayo.” Ang katangiang ito ang karaniwang isinasadula sa mga bugtong hinggil sa kudkuran, gaya ng sumusunod na tatlo mulang mga Tagalog, mga Sebwano, at mga Ilokano:
Ang baboy ko sa Sorsogon
Kung di sakyan di lalamon.
Kabayo ko sa Cagayan
Dili mokaon kun dili sakyan.
Adda bassit a kabalyok
Dina kayat ti ruot
Ngem gustonat’ sabsabot.
Ang kudkuran ang pinakaepisyenteng paraan ng pagkuha sa laman ng niyog sa anyong tila dinurog na sa maliliit na piraso. Ang ganitong anyo ng laman ng niyog ang ibinubudbod sa kakaning gaya ng bibingka. Sa ganitong anyo din ng laman ng niyog ay higit na madalî itong pigain kapag kailangan ang gata. Ngunit kung tinatamad, puwedeng magpunta ngayon sa palengke.
Kasama ng mga moderno’t de-koryenteng gilingan at blender, maaari nang magpakudkod ng niyog sa pamamagitan ng mga mekanisadong kudkuran.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kudkuran "