Asarol
Ang asarol, o hoe sa Ingles, ay isang pangunahing kasangkapan sa agrikultura na ginagamit sa pagbungkal ng lupa.
Ito ay pangkaraniwang ginagamit sa paghahalaman,
- una, sa pagbungkal ng lupang gagawing taniman;
- ikalawa, sa paghukay sa lupang huhulugan ng binhi o tatamnan ng supling; i
- katlo, sa pagbungkal ng lupa sa paligid ng halaman at pagaalis ng damo.
Ginagamit din ito sa paghukay o pag-ani ng mga halamangugat na tulad ng kamote, ube, at patatas.
May iba’t ibang klase ng asarol depende sa anyo at gamit. Halimbawa, ang collinear hoe na may manipis at matalas na talim na ginagamit sa pagtanggal ng mga damong ligaw. Ito ay hindi maaaring gamitin sa pagbubungkal o paglilipat ng lupa.
Samantala, ang dego hoe na tipikal na ginagamit sa pagtatanim ay may malaki at malapad na talim at pantay na gilid. Ito ang karaniwang ginagamit sa paghahalaman sa Filipinas.
Ilan pa sa mga klase ng asarol ay ang dutch hoe at stirrup hoe. Dapat ding banggitin ang piko na isang kasangkapang may dalawang talim ang ulo. Ang isang talim ng piko ay tulad ng asarol, ngunit may kakambal itong talim na matulis at ginagamit sa pagbasag ng bato at ibang matigas na bagay sa lupa.
Bukod sa pagtatanim, karaniwan ring ginagamit ang asarol ng mga propesyonal na arkeologo at maging ng mga minero sa paglilinis ng malalaking lugar. Mas mabilis itong gamitin at nagbubunga ng mas malinis na hukay kaysa iba pang kasangkapan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Asarol "