Piko
Ang piko ay ang isa sa mga pinakasikat na larong kalye sa Pilipinas. Popular din sa ibang bansa na may iba at sariling panuntunan.
Materyales: Chalk o kahit anong pang marka sa sahig na makakaguhit ng linya. Maaari ring gumamit ng stick kapag ang sahig ay lupa.
Isang makinis at patag na bato na magsisilbing pamato ng bawat manlalaro.
Manlalaro: Mag-isa o grupo.
Saan lalaruin?: Sa labas ng bahay.
Ang layunin ng laro ay makatungtong at makabalik ang isang manlalaro mula sa “starting point” hanggang sa dulong kahon.
Gamitin ang diagram (larawan sa itaas) bilang basehan sa pagguhit ng mga kahon sa sahig. Maaaring gumamit ng yeso o batong magaspang bilang pangguhit sa sementadong sahig, at patpat kung ang sahig ay lupa.
Ang disenyo ng mga kahon ay maaaring mag-iba-iba base sa lugar kung saan nilalaro ang Piko. Mayroong baryasyon kung saan umaabot sa sampu ang bilang ng mga kahon.
Ibahagi nyo naman samin ang inyong mga ala-ala sa paglalaro nito! ——– Paraan kung paano laruin:
1.Gamit ang chalk (yeso) o patpat, gumihit ng mga kahon na rectangle (parihaba) o square (pariksukat) na bilang 1 hanggang 10
2.Ihagis ang pamato sa unang kahon. Dapat pumasok ang pamato sa kahon at hindi dumapo sa linya.
3.Tatalon gamit ang isang paa sa mga isang kahon at dalawang paa naman sa dalawang kahon na magkatabi na bilang 4-5 at 7-8.
4.Sa ikasampung kahon ay iikot ang manlalaro para bumalik.
5.Tumigil sa ikalawang kahon upang kunin ang pamato sa unang kahon na hindi natutumba o lumalampas sa guhit. Tumalon sa kahon at bumalik sa espasyo kung saan nag-umpisa.
6.Gawin ang pagtapon ng mga pamato hanggang ikasampung kahon pati paglundag na paglalaro. Ang manlalaro na mali o lampas ang paghagis sa mga pamato o matutumba sa paglundag ay titigil pansamantala upang tumira ang iba. Ang unang manlalaro na makakakumpleto hanggang iksampung kahon ang magiging panalo sa laro.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Piko "