Alpahor
Ang alpahor ay pangunahing tumutukoy sa isang lutuin na may sumusunod na sangkap: sago, gata ng niyog, biló-biló, at asukal. Karaniwan itong mabigat na meryenda.
Sa paghahanda ng alpahor, niluluto ang mga sago (na maaaring may iba’t ibang kulay at laki) sa pinakuluan at pinaghalòng gata ng niyog at asukal.
Susunod na isinasama ang mga bilo-bilo, na malalaman kung luto na kapag lumulutang na ang mga ito. Linalagyan pa ito ng gata ng niyog upang lumapot at asukal upang tumamis ayon sa gustong lasa.
Bukod sa mga nabanggit na sangkap, madalas ding idinadagdag ang mga hiniwang kamote, saging na saba, gabe, o ube. Upang magkaroon ng mas mayaman pang lasa ay isinasama rin ang mga dahon ng pandan at banilya.
Dahil sa naturang mga sangkap na itinuturing na mabigat na meryenda o himagas ang alpahor. Nakabubusog ang pag-ubos sa kahit isang munting mangkok nitó. Lalo na’t sinabayan ito ng isang hiwang biko.
Sa ibang lugar, tinatawag itong bilo-bilo o kaya ginatang bilo-bilo.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
No Comment to " Alpahor "