On
Ang biko ay isang uri ng matamis na kakanin na gawa mula sa malagkit na bigas, gata ng niyog, at hindi repinadong asukal. Kadalasang kinakain ito bilang panghimagas o pangmeryenda at inihahanda sa mahahalagang okasyon tulad ng kaarawan at pista.


Katulad ng iba pang kakaning Filipino, madalĂ® lamang ang hakbang ng pagluluto ng biko ngunit nangangailangan ng pisikal na lakas.


Ang unang hakbang ay ang pagsasaing ng malagkit na bigas. Habang niluluto ang bigas, maaari nang paghaluin ang gata ng niyog at pulang asukal sa isang malaking kawali. Kailangan itong haluin nang tuloy-tuloy sa mahinang apoy hanggang sa lumagkit.


Kapag luto na ang malagkit na bigas at malagkit na ang hinalong gata ng niyog at pulang asukal, maaari nang paghaluin ang mga ito hanggang sumingaw ang natitirang gata.


Ang nalutong biko ay karaniwang inilalagay sa isang bilao na sinapnan ng dahon ng saging na sinalab sa apoy. Binubudburan din ito ng latik na gawa sa nalabĂ­ng gata ng niyog.


Nagkakaiba ang mga biko sa mga sangkap na idinaragdag dito o sa paraan ng pagluluto. Halimbawa, may mga bikong gumagamit ng iba’t ibang kulay ng malagkit na bigas o kaya ay naglalagay ng luya o pandan sa sinaing upang bumango.


Ang iba namang biko ay magkasabay na niluluto ang gata ng niyog at malagkit na bigas. May iba pang maaaring hinalo ang nilutong gata ng niyog at sinaing na bigas kaya kulay kayumanggi habang ang iba ay sa itaas lamang inilalagay ang nilutong gata ng niyog.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: