DSWD Cash Assistance for Pregnant Woman

Ang Facebook Group na "DSWD Cash Assistance for Pregnant Woman" ay huwad o pekeng account.


Ang DSWD ay hindi konektado sa account na ito at mariing pinapabulaanan ang ano mang mga post nito na pawang pangloloko at nililito lamang ang publiko.


SCAM: Na mayroong Cash Assistance ang DSWD para sa mga buntis.

FACT-CHECK: Walang ganitong programa ang aming ahensya.


Kaugnay nito, hinihingi po namin ang inyong kooperasyon sa pag-rereport ng naturang account at pati na rin ang iba pang pekeng mga account maging sa iba’t-ibang social media platform upang agad itong ma-take down, nang hindi na makapanloko at makapambiktima ng ating mga kababayan.


Huwag paloloko! I-report ang account na ito bilang FAKE ACCOUNT, o dahil sa FALSE INFORMATION


https://www.facebook.com/share/g/BwJni4EBfJ5wga8s/


Paalala sa publiko, huwag agad-agad maniniwala sa nababasang content online, iwasan din ang basta-bastang pag-click ng mga links na makikita sa Facebook o maging mga links na ipinapadala sa inyong Messenger, mga post sa Facebook groups, at sa text messages.


Ugaliing i-verify at magfact-check ng mga impormasyon na nababasa online.


Mungkahing Basahin: