Mag-Ingat sa Scam: Paalala sa Publiko Tungkol sa Financial Management


Gabay Laban sa Investment at Insurance Scam


Paano maiiwasang ma-scam?


1. Alamin mula sa SEC, BSP o IC kung
a. Lisensyado ang kumpanya
b. Rehistrado ang produkto
c. Awtorisado ang ahenteng nagbebenta


2. Tandaan:
a. Pag-aralan at intindihing mabuti ang produkto bago mamuhunan
b. Itago ang dokumento ng transaksyon
c. Pag mas malaki ang pangakong tubo, mas mataas ang panganib ng pagkalugi


Kung may katanungan o reklamo

  1. Tungkol sa bangko – tumawag sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa teleponong (02) 708-7087.
  2. Tungkol sa deposit insurance – tumawag sa Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) sa teleponong (02) 841-4630 o (02) 841-4631 kung ikaw ay nasa Metro Manila at PDIC toll free number na 1-800-1-888-PDIC o 1-800-1-888-7342 kung ikaw ay nasa labas ng Metro Manila.
  3. Tungkol sa kumpanya ng insurance – tumawag sa Insurance Commission (IC) sa teleponong (02) 404-1758.
  4. Tungkol sa iba pang kumpanya –  tumawag sa Securities and Exchange Commission (SEC) sa teleponong (02) 584-0921 local 240.


Pinagmulan: www.protectyourmoneyadvisory.com


Mungkahing Basahin: