On

 Valid ba ang verbal agreements sa Pilipinas?


Ang sagot sa tanong ay oo, ang verbal agreements ay valid sa Pilipinas. Ito ay ayon sa article 1305 ng kodigo sibil ng Pilipinas. Sapagkat kung ang pinag uusapan ay kontrata, maaari itong nakasulat o salita lamang, ang importante ay matupad ang mga elemento ng isang kontrata. Ang elemento ng isang kontrata na kinikilala ng batas bilang may bisa ay ang mga sumusunod:

  1. Consent, 
  2. Object, at 
  3. Cause.


Pero may mga exceptions dito, gaya ng sa statute of frauds, ang halimbawa ng mga kontrata na kailangang nakasulat ay ang pagbenta at pagbili ng bahay o ang pagrenta sa bahay na tatagal ng higit sa isang taon. 


Ang general rule ay ok lang ang verbal agreements pero may mga exceptions kagaya ng una nang nabanggit.


Pinagmulan: Atty. Bernice Rodriguez (@hey_attorney via instagram)


Mungkahing Basahin: