On

 

krimen ba kung nakipagtalik ang 18 years old

May krimen ba kung nakipagtalik ang 18 years old sa girlfriend niyang 16 years old?


SAGOT:


Depende. Una, dapat tandaan na may kakayahan ang sinumang tao sa edad na 16 na magbigay ng pahintulot.


Sa ilalim ng RA 11648, itinaas ang age of consent mula 12 years old hanggang 16 years old. Ibig sabihin niyan, hindi maituturing na rape, sa ilalim ng RA 8353 o Anti-Rape Law, ang pakikipagtalik sa isang 16 years old pataas kung ito ay may pahintulot niya.


Hindi rin ito maituturing na child abuse sa ilalim ng RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.


Sa kasong Bangayan v. People, kinilala ng Korte Suprema ang consent o pagbibigay pahintulot bilang depensa sa kasong paglabag ng Section 5 ng RA 7610 na maaaring pagbatayan ng kasong child abuse kung nakipagtalik ang menor de edad dahil sa impluwensya o pananakot ng taong nasa hustong gulang o dahil sa pera. Hindi ibig sabihin na dahil adult ang pinaratangan, ginamit niya ang impluwensya niya para makipagtalik sa menor de edad.


Hindi rin ito Simple Seduction under Article 338 ng Revised Penal Code, maliban na lang kung nakuha ang pahintulot na makipagtalik dahil sa panlilinlang.


Pinagmulan: attytonyroman (instagram)


Mungkahing Basahin: