Depensa ba laban sa krimen ang pagganti?
Depensa ba laban sa krimen ang pagganti sa nagtangka sa pamilya mo?
Abswelto o Kulong?
Atty., ask ko lang po, kung pinagtangkaan po yung isa sa miyembro ng pamilya ko, tapos ako po mismo iyong gumanti sa gustong magtangka sa pamilya ko,
may kaso po ba? Kumbaga papatayin po iyong isang miyembro ng pamilya ko, tapos nilabanan ko po para idepensa.
Meron. Kakasuhan ka para sa pagpaslang sa taong nagtangka sa pamilya mo.
Ang tanong: may depensa ka ba?
Sa Revised Penal Code, kinikilala ang pagtatanggol sa pamilya o kamag-anak na depensa kung may:
1. Unlawful Aggression;
2. Reasonable Necessity of the Means Employed; at
3. Lack of Sufficient Provocation
Kung naganap ang pagtatangka sa harapan mo at may malinaw na panganib sa pamilya mo, merong Unlawful Aggression.
Baka naman ilang araw ang lumipas bago mo inunahan sila. Hindi pwede yan.
Dapat ding resonable at kinakailangan ang pamamaraang ginamit mo para ipagtanggol sila.
Baka naman tinakot lang na pagbuhatan ng kamay ang pamilya mo, tapos binaril mo. Hindi pwede yan.
Dapat ding hindi ikaw ang nagsimula o nag-udyok sa biktima na atakihin ang pamilya o kamag-anak mo, para masabing walang Sufficient Provocation.
Kung kulang ang alinman sa mga nabanggit, hindi ganap ang depensa mo at makakabawas lamang sa bigat ng parusa o kalalaan ng krimen ang ginawa mo.
Pinagmulan: @attytonyroman (sundan sya sa Instagram)
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Depensa ba laban sa krimen ang pagganti? "