Pwede bang idemanda ang asawang nakabuntis ng iba?
Pwede bang idemanda ang asawang nakabuntis ng iba?
SAGOT:
Depende.
Sa ilalim ng Article 334 ng Revised Penal Code, para managot ang nangangaliwang asawa para sa concubinage, kinakailangang i-bahay niya ang kabit o umasta sila sa publiko na parang mag-asawa. Ibig sabihin, hindi sapat na nakipagtalik siya sa iba o nakabuntis siya ng iba. Pero sa ilalim ng RA 9262 o Anti-VAWC Law, kinikilalang Psychological Abuse ang pangangaliwa laban sa misis na paglabag ng nasabing batas. Dahil dito, maaaring idemanda ang mister kung nakabuntis siya ng iba.
Kapag nahatulang may sala, maaari siyang makulong ng hanggang 12 years, pagmumultahin ng hanggang 300,000 pesos, at sumailalim sa psychological counselling.
Pinagmulan: @attytonyroman, sundan siya sa instagram
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Pwede bang idemanda ang asawang nakabuntis ng iba? "