Bawal Bastos Law
Bawal Bastos Law
Ang tanong: Kinasuhan po ako ng isang babae dahil sinabihan ko po siya ng maganda, bastos lang daw po. Ano pwede ko gawin?
Ang sagot: Kung kinasuhan ka under the Safe Spaces Act or RA 11313 dahil sinabihan mo ang isang babae na maganda siya, you have to prove the fact that you did it in such a way that is respectful, non intrusive at hindi persistent, pero kung makulit ka talaga at paulit-ulit mo siyang sinabihan na maganda siya or sinamahan mo ng gesture na malaswa o nilapitan mo siya kahit ayaw naman niya sayo then im sorry to say, pwede ka maging guilty under the Safe Spaces Act or the Bawal Bastos Law.
If paulit-ulit mo kasi siyang sinabihan na maganda siya or hinaluan mo nang malaswang gesture like lets say nag kagat labi ka, this is a punishable offense under the law, this may be considered as an uninvited and unwanted comment on a person's physical appearance, so para sayo parang wala lang pero sa babae, nabastos siya.
If you are found guilty of this, you may be punished by a fine of 1,000 pesos or community service for 12 hours. If umabot naman ng third offense, then it could be imprisonment of up to 30 days, so if you are innocent you have to find and present proof na hindi mo ito ginawa in a bastos or disrespectful manner at hindi mo kinulit yung babae, pero kung nagkamali ka talaga then just be ready to apologize and accept the consequences of your crime and next time let this be a lesson learned for you to keep your comment to yourself and always be respectful.
Pinagmulan: @hey_attorney
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bawal Bastos Law "