On

 

Ano ang social engineering at e-mail phishing?

Ano ang social engineering at e-mail phishing?


Paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maging maingat sa mga ginagawang transaksyon online para maiwasang maging biktima ng scams at frauds.


Ang social engineering ay isang uri ng panloloko para makakuha ng mga sensitibo at personal na impormasyon. Gagamitin ang mga nakuhang impormasyon para ma-access ng manloloko ang financial account ng biktima upang para ma-take over ang account o makapagbigay ng pera sa manloloko.


Social Engineering


Panlilinlang o pag-manipulate ng tao para makakuha ng personal at sensitibong impormasyon para ma-take over ang account o makapagbigay ng pera sa manloloko.


Email-Phishing


Isang uri ng social engineering na ilegal na kumukuha ng impormasyon sa pamamagitan ng mapanlinlang o mapanlokong e-mail.


Gagamitin ng scammer ang nakuhang impormasyon para mabuksan ang iyong account at makuha ang laman nitong pera.


Paalaala!


Huwag i-click ang link na matatanggap sa e-mail, lalo na kung sinasabihan ka nitong magbigay ng personal at sensitibong impormasyon.


Mungkahing Basahin: