BSP CURRENCY EXCHANGE CENTER SA CAGAYAN, INILUNSAD NA!
Sa pangunguna ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Tuguegarao Branch, inilunsad ang Cooperative Bank of Cagayan (CoopBank) bilang unang BSP Currency Exchange Center (CEC) sa Cagayan.
Pumirma ang CoopBank, sa pangunguna ni President and Chief Executive Officer Robin James A. Gunnacao at iba pang mga opisyal, ng pledge of commitment noong ika-31 ng Agosto 2024 sa Coopbank Building, San Gabriel, Tuguegarao City.
Sa ilalim ng programa, mas magiging madali sa publiko ang pagpapalit ng mga marurumi (unfit) at sira-sirang* (mutilated) pera ng bago o malilinis na salapi. Isinisulong din ng programa ang BSP Clean Note and Coin Policy at Coin Recirculation Program.
Bukas ang currency exchange counter sa lahat ng branches ng CoopBank tuwing Miyerkules, 9 a.m. hanggang 3 p.m.
Para sa BSP-supervised financial institutions at ibang mga organisasyon na nais makibahagi sa Piso Caravan Program, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na BSP regional office o branch sa inyong lugar.
Listahan ng BSP regional offices at branches: https://bit.ly/robbsp
*Susuriin ang pera base sa 3S (size, signature at security thread) na pamantayan ng BSP.
Pinagmulan: bangkosentral (follow at instagram)
Mungkahing Basahin:
No Comment to " BSP CURRENCY EXCHANGE CENTER SA CAGAYAN, INILUNSAD NA! "