On

 May kaso ba kung nilagyan mo ng laxative ang baon mo para mahuli kung sino ang nagnanakaw?


Atty, pwede po bang lagyan ng laxative and pagkaing baun ko para malaman ko kung sino ang nagnanakaw ng baon ko sa ref namin sa work? Wala po bang magiging kaso doon?


Delikado yan. Sa isang banda, bawal ang pagnanakaw ng pagkain. Sa kabilang banda, bawal ang manakit ng kapwa.


Kung nilagyan mo ng lason o laxative ang pagkaing alam mong nanakawin at napinsala ang kumain nito, may intensyon kang manakit ng kapwa. Kapag nangyari ito, Physical Injuries ang krimeng ginawa mo. Kung hindi kalalaan, maaaring Slight Physical Injuries ang ikaso sa iyo. Kung nahatulan kang may sala, mabibilanggo ka ng 1 buwan at 1 araw hanggang 6 na buwan kung mahigit 9 days na hindi nakapagtrabaho ang biktima o nangailangan siya ng doctor.


Kung patuloy siyang nakapagtrabaho o hindi siya nangailangan ng doctor, mabibilanggo ka ng hanggang 30 araw o pagmumultahin ng 40k pesos. May ibang paraan para matigil ang pagnanakaw ng pagkain mo o mahuli ang magnanakaw. Bakit hindi kausapin ang mga katrabaho, ang boss mo o ang security guard? Meron bang CCTV? Meron bang mga saksi? Meron bang ibang pwedeng pagtaguan ng pagkain? Pag-isipan muna.


Pinagmulan: attytonyroman (follow him at instagram)


Mungkahing Basahin: