On

 Pekeng Dentista, Ano dapat gawin?


Pumunta po ako sa dentist for teeth cleaning but I later found out na hindi pala lisensyado yung dentista na napuntahan ko. Ano pong pwede kong gawin?


Pwede mong i-report ang klinika sa mga otoridad upang maipasara ang naturang klinika at upang maaresto ang pekeng dentista.


Yung pag operate nya ng clinic at pagpapanggap bilang lisensyadong dentista ay paglabag sa RA 9484 o ang Philippine Dental Act of 2007. Ayon sa section 33A ng naturang batas, pwedeng maparusahan ng hanggang 5 taong pagkakakulong at multang nagkakahalaga hanggang 500,000 libong peso ang pekeng dentista.


Kahit sabihin pa nating napakagaling nung pekeng dentista o walang nasaktan o napahamak sa kaniyang mga pasyente, ito ay paglabag pa rin sa batas. Kung biktima ka halimbawa ng pekeng dentista at nagpa-brace ka o nagpalinis tapos peke pala yung dentista, pwede mo i-report ito sa mga otoridad upang maipasara ang klinika.


Pinagmulan: Attorney Bernice Rodriguez (@hey_attorney via instagram)


Mungkahing Basahin: