Rosario Landas ng Pagkabansang Pilipino 1899

Rosario Landas ng Pagkabansang Pilipino 1899


Sa kasukalan ng Rosario, La Union dumaan si Emilio Aguinaldo, Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas, at ang kaniyang hukbo habang ipinagtatanggol ang kalayaan at pagkabansa ng mga Pilipino, 16 Nobyembre 1899. Dito nakipagkita si Heneral Manuel Tinio upang iulat na papalapit na ang hukbong Amerikano.


Ang panandang pangkasaysayang ito ay pinasinayaan bilang ambag sa paggunita sa Ika-125 anibersaryo ng kalayaan at pagkabansang Pilipino, 12 Hunyo 2023 - 23 Marso 2026.


Pinagmulan: nhcpofficial