Hito
Ang katawan ng hito ay siksik sa likuran. Ang itaas na panga ay bahagyang nakausli. Tulad ng pusa, ito ay may 4-8 balbas. Ang palikpik sa likod ay lagpas sa haba ng katawan, walang isang nangungunang tinik at nakadugtong sa palikpik sa buntot. Bilugan ang palikpik nito sa buntot. Malapad ang pagkakabukas ng hasang. Ang paghinga ng hangin ay nagagawa sa pamamagitan ng laberinto. Ang ilang specie ay may kakayahang maglakbay sa lupa. Ang ilan na naglulungga ay may maliliit na mata at ang palikpik sa pektoral at katawan ay maliit o wala. Ang laman ay karaniwang malambot at putî o kulay-abo.
Kumakain ito ng prutas, dahon, ugat, insekto, at molusko. Karamihan sa inaalagaang hito ay mabilis lumaki at kayang kumain ng marami. Nagagawang ubusin ng Pangasiids ang malalaking pagkain. Ang organong panunaw nito ay kumakatawan ng hanggang sa sangkapat ng timbang ng katawan. Ito ay dahil sa malawak na tiyan, bituka, at hungkag na espasyo sa loob ng katawan. Naitala ang pinakamalaking Clarias batrachus na may sukat na 47 sentimetro samantalang ang pinakamabigat naman ay 1.19 kilo. Ang Pangasius hypophthalmus na inaalagaan sa mga palaisdaan ng Vietnam ay maaaring lumaki hanggang 800 gramo sa loob ng 6 na buwan. Ang Clarias macrocephalus naman ay maaari nang ibenta kapag umabot ng 200 gramo. Ang uring ito ay lubos na pinahahalagahan dahil sa kalidad ng laman.
Sa natural na kondisyon, ang hito na isdang tropiko ay madalas na nakatira sa pabago-bagong kaligiran. May kakayahan itong tiisin ang manirahan sa maruruming ilog. Halos lahat ng uri ay makikita sa tubig-tabang.
Sa kasalukuyan, dalawang pamilya (Pimelotids at Ariids) ang matatagpuan sa dagat at maaalat na tubig.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Hito "